January 12, 2011
Ang araw ng 15-minute preparation for school. :)
Ano ang laman ng post na ito?
Kwentong Jeepney I.
Ang kwento: (walang koneksyon sa 15-minute preparation for school)
Kwentong pagsakay sa isang jeep na patok kung sila’y tawagin. Akala mo ay car racer ang driver dahil sa kanyang driving skill na pamatay… ng hininga. Pamatay din ng muwang sa mga nakatulala o kaya’y tulog na pasahero.
Isang araw at marami pang susunod na araw. Sumakay ako sa isang jeep. Maingay. Akala mo concert grounds sa bongga ng sound system sa loob. “Bayad ho. Salamat.” Okay pikit muna. At biglang huminto. Lahat ng pasahero napunta sa harap. Naipit ung nasa likod ng driver. Nainis ‘yung nagpara dahil lagpas na ng isang kilometro ang dapat bababaan niya.
Dapat kasi kasabay ng memorandum na NO SMOKING ay ang NO LOUD MUSIC at NO HARD BRAKES.
Whatta drivers. :)
January 11, 2011
Second day na ako. Wala lang.
Ano ang laman ng post na ito?
Ang magiging laman ng post na ito ay ang question/s of the day. Ang dalawang matinding tanong na paulit-ulit ko nalang naririnig. (At sa akin itinatanong)
Ang malupit na tanong:
May Economics ba tayo ngayon?
Ang isa pang malupit na tanong:
Andyan ba si sir?
More Information:
Ang mga katanungan na ‘yan ay nalikha dahil ang aming guro sa nasabing subject ay hindi pa nagpapakita sa amin simula ng unang araw ng pasukan ngayong 2011. Dalawang subject ang hawak niya sa klase namin. Minor subjects lang. :)
After ng dalawang tanong na ‘yan, kasunod na ang mga katagang “text mo si sir. Tanong mo kung may SS pa tayo.” Ako kasi ang tinetext ng aming guro kung makakapasok ba siya o hindi. Kung hahabol siya sa klase o uwian na namin.
Nauwi ang lahat sa maagang uwian. Whatcha say? :)
January 10, 2011
Unang araw ito matapos ang 19th birthday ko. Gusto ko lang iblog para may mabasa ako sa hinaharap.
Ano ang laman ng post na ito?
Ang magiging laman nito ay ang mga nangyari ngayong araw. (hindi na pala ngayon, January 11 na pala). Basta January 10 muna ang ipopost ko. :)
Mga nangyari:
1. Pumasok ng medyo may kaagahan dahil natatakot baka matrapik sa may Quiapo o kaya’y mahaba ang pila sa sakayan.
2. Nagpraktikal sa major, Motor Control Circuit, at medyo maayos naman.
3. Nagannounce na walang Economics ngayon araw at may sasagutan lang. Ipapasa ito next meeting.
4. Hanggang 10am lang ang klase imbes na 12nn dahil masama ang pakiramdam ng aming professor.
5. Bumili ng bagong headset. :>
6. Pumunta sa aking pinakamamahal na si Aatifa. <3
7. Umuwi ng may ngiti sa labi. :>
8. Last, gumawa ng homework na sangkatutak. Pero nakangiti pa din. :)
That’s it. Chika minute. :)
